Akala ko walang mangyayari sa’kin ngayong araw. Mga 5 na kasi ako natulog kahapon, eh kailangan ko magising ng maaga kasi hihingi ako ng 400 kasi nag-order kami ng mga UP shirts (para cool at mayabang haha joke). Tapos pagkagising ko eh mga 9 palang ata nun, wala na si Papa :( So wala akong pera. Huhu tapos nag-paawa effect ako kay mama tapos binigyan niya ako 1000. Akala ko yun na talaga, yun pala bigay ko daw sa kanya sukli. Kainis.
Tapos naligo na ako. And nagbihis (talagang blinog ko eh ‘no) Tapos nakita ko yung bangs ko parang wala sa ayos. Sobrang haba, nasa gilid lang parang tanga. Kaya ayun, ginupit ko sa kwarto nina mama. Ok naman, medyo maayos naman na itsura niya. Cute pa rin naman ako. Kaya ayun umalis na ako ng bahay!
Maaga akong dumating sa Mcdo. Syempre tingin tingin muna kung may gwapo. Tapos nag-washroom muna ako. Huhu ang init kasi so pawis na pawis ako. Waley din yung ginupit kong bangs. Tapos eyun dumating na si Ellysa!! Dumiretso muna kami sa Royal Place kasi kukunin ko yung grad pics ko. Huhu may extra pang bayad na 280 kainis :(
Tapos pumunta na kami sa Ever para magpadala ng pera!! First time ni Ellysa sa LBC so ang cute lang :D 860 binayad namin huhu wala pa nga kaming ginagawa ubos na pera namin :( Eto nga pala yung shirt na inorder namin~

Sa Doodle Shirts namin siya inorder! Dapat nga pupunta pa kami sa UPD para bumili ng ~*UP merch*~ (halatang mga freshie eh ‘no) kaso tinamad na kami. Next time nalang! HAHAHHAH.
At dahil wala na kaming pera, nag-takoyaki nalang kami :(((((( Pero dun ko na-realize na kahit anong gawin namin okay lang basta magkasama kami (yuck). Siya lang yung tao na gusto ko makasama kahit saan. Huhu mamimiss ko talaga siya pag nasa Baguio na ‘ko <///3


